HINDI SI PNOY ANG DAPAT SISIHIN SA PAGBAHA SA LUZON - MALACAÑANG
Friday, 07 October 2011 00:16 | |
By Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) Itinanggi ng Malacañang na dapat si Pangulong Benigno Aquino III ang sisihin sa matinding pagbaha sa Central Luzon sa kasagsagan ng bagyong Pedring at Quiel gaya ng akusasyon ni Quezon Rep. Danilo Suarez. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang katotohanan na kinansela ni Pangulong Aquino ang proyekto para sa 19 na flood control projects. |